"Kung Ako'y Mamamatay" - Clariselle Espejo.
"Kung Ako'y Mamamatay" - Clariselle Espejo.
"Kamatayan? Hindi katapusan ng lahat. Kung ano ang ating iniwan ay siyang simula ng lahat. Walang buhay na patapon. Kaya lamang nagiging patapon dahil iniisip natin na tayo’y nag-iisa."
Ang buhay ay atin lamang hiniram sa Panginoon. Hanmda man o hindi ay dadating sa sinasabing katapusan ng lahat - ang kamatayan. Ano nga ba ang mga gusto ko bago man lang aq mamatay?
Bago matapos man lang ang aking buhay, nais long maging maligaya at sana mapaligaya ko din ang mga taong minamahal ko. Lumaki ako na napapaligiran ng pagmamahal at pagaaruga kaya marahil ay ganoon din ako kapag mayroong mga taong napamahal na talaga sa akin. Nais ko munang matupad ang aking mga pangarap, ganoon din ang mga pangarap ng aking pamilya sa akin. Ngunit kung ngayon man ako mamamatay ay hindi pa talaga ako handa dahil marami pa akong gustong maranasan at matupad. At kung ako man ay mamamatay, ayokong mahirapan. Iyong kailangan pang nakaratay sa higaan habang hinihintay mo na lamang ang oras ng iyong paghimlay. Hindi ko rin naman gusto ang biglaang pagkamatay – nabaril, naaksidente o di kaya ay tawa ng tawa ayun biglang patay. Natuwa ako sa kamatayan niyang iyon. Isa siya sa mga kapitbahay naming noon, nabalitaan naming na patay na pala siya samantalang kakakita ko pa lamang sa kaniya bago ako pumasok sa eskuwelahan. Bata pa ako noon, nasa ika-anim na baiting. Nanonood lamang ng basketball sa telebisyon at sa kakatawa biglang namatay. Kaya natakot ako simula noon na baka sa sobrang tawa ay mamatay agad ako. Ngunit hindi ko naman siya masisisi dahil mahilig siyang uminom ng alak.
Balik tayo sa magiging kamatayan ko “sana”. Kung ako ay bibigyan ng pagkakataon makapamili ng aking kamatayan ang nais ko ay natulog lamang at hindi na muling nagising. Ayoko ng mahirapan at ayoko ding masaktan. Ngunit mas maganda sana kung mayroong senyales bago matulog na hindi ka na muling magigising dahil mamamatay ka na pala. Mas maganda kung ako’y maghahanda, magpapaganda muna para hindi ako mukang kahiya-hiya kapag tiningnan na ako sa “pink” kong kabaong. Imposible marahil ang naisip kong iyan dahil hindi naman pwedeng humiling ng gusto mong kamatayan, ngunit iyan ay sia sa mga pangarao ko – na sana ay ganyan na nga lang ang magiging kamatayan ko. Hindi ako natatakot mamatay ngunit sa ngayon ay hindi pa talaga ako handa. Ako kasi yung tao na hindi pa talaga nakukuha lahat. Marahil dahil noong bata pa ako, ay hindi lahat naibibigay ang gusto ko. Kaya sinabi ko sa sarili ko na kapag ako’y nakatapos na ng pag-aaral, magsisikap talaga akong magtrabaho para makuha ang lahat ng gusto. Nais kong maging “stable” na lahat. Kahit na hindi ko ito madadala sa aking kamatayan, naranasan ko naman.Pati na din ang lalakeng makakasama ko sa habang buhay ay buo na din sa pangarap ko. Hindi pa din naman nawawala doon ang pangarap ko muna para sa pamilya ko bago ang magiging pamilya ko. Praktikal man lahat ito ngunit ito ang mga nais kong matupad kung ako man ay mamamatay na.
Lahat ng katapusan ay siya ding simula. Hindi lang natin alam kung ito ba ay katapusan na o simula pa lang ng lahat. Hindi din natin hawak ang panahon at ang ating buhay. Kung ito ba ay nakatadhana na talaga para sa atin. Kung ako man ay mamamatay na ngayon, nais ko munang makasama ulit ang Papa ko. Halos dalawang taon na ng huli kaming magkasama-sama ulit nila Mama. Wala kasing pagkakataon sa ngayon na makauwi siya dito. Noong nasa ikaapat ako ng taon ng hayskul ng siya ay umalis papuntang Amerika para magtrabaho. Nalungkot talaga ako dahil ni hindi man lamang siya nakaabot sa aking graduation. Wala naman akong magawa dahil trabaho niya iyon at ayoko naming mawala iyon dahil kami din ang mahihirapan. Malungkot sa bahay dahil tatlo na lang kami nila Mama ngunit sinisikap naming maibsan ang kalungkutang iyon. Kaya kung ako man ay mamamatay na, sana…sana makasama ko muna ang aking Papa bago ko man lang ipikit ang aking mga mata.
Kung ako ay mamamatay, mas gugustuhin ko sana na sa aking paglaki ay ako muna ang mauna bago ang sinoman sa aking pamilya. Hindi ko alam kung bakit iyan ang naging pananaw ngunit ako kasi yung tao na sadyang importante ang pamilya pagdating sa buhay niya. Ni hindi ko lubos maisip na makikita ko kung sinoman sa kanila na nakahimlay na sa kanilang higaan at ako’y nandito na walang patid sa pagluha. Sigurado ako sa sarili ko na hindi ko matatanggap agad anuman ang mangyari agad sa kanila. Kaya mas nanaisin ko na lamang na ako ang nakikita nila. Makasarili ba ako? Hindi ko alam ngunit ito ang masasabi ko – takot akong masaktan dahil mahirap para sa aking makalimot agad. Bago man lang sana ako mamatay, nais ko ding makasam lahat ng kaibigan ko. Hihingi ako ng tawad kung anoman ang naging kasalanan ko na nagging dahilan ng pagtatampo nila sa akin – kung meron man. Magpapasalamat na din ako sa kanila ng madaming-madami sapagkat isa sila sa mga kumukumpleto sa buhay ko. Para sa akin, ay mahirap mabuhay sa mundo ng wala kang kaibigan. Lalo na sa aking sitwasyon, hindi ko kayang mag-isa. Masaya ako sa araw-araw kapag kasama ko sila. Pinipili ko ang aking gma magiging kaibigan. Iyong sa simula pa lang ay naramdaman ko kaagad na totoo sila sa akin. Ayoko ng mapagpanggap dahil hindi naman ako ganoon sa mga kaibigan ko. Kung ano talaga ako, ay iyon na talaga. Walang tinatago – prangka sa madaling salita. Kaya nais ko muna silang makasama at magkaroon ng pinakamasayang “bonding” sa buong buhay ko. At isa pa na nais kong makamit bago ko mamatay ay makasama muna ang lalaking para sa akin. Wala naming perpektong taos a mundo ngunit mayroon naman siguro akong matatawag na “right guy”. Sa mga panahon ngayon, hindi ko ding maiwasang mag-isip na kung sino nga kaya ang mapapangasawa ko. Kung yung gusto ko ba talaga siya, kung pareho ba kami ng mga gusto sa buhay at kung pareho ba kaming may pangarap sa isa’t-isa. Ayoko kasi ng basta-basta na lang. Gwapo nga siya ngunit wala namang pinag-aralan, wala man lang pangarap. Kahit hindi masyadong gwapo, may hitsura na lang ay pwede na, basta ba ay nakakaangat sa buhay, edukado at mahusay mag-alaga para sa minamahal niya. Sana ay bago ko mamatay ay ang lalaki na iyan ang makakasama ko muna. At kapag nakuha ko lahat ang mga ito, pwede na siguro akong mamatay – na masaya ang naramdaman. Hindi man ako sigurado kung makukuha ko lahat ito, ay nandiyan pa rin sila sa mga pangarap ko. Marahil ang masasabi ng iba ay napakaimposible ng lahat ng ito na makuha ko bago man lang ako mawala sa mundo. Hindi naman masama ang mangarap hindi ba? Ngunit masasabi ko din na kakayanin ko makuha lang lahat ng mga pangarap ko. Hindi din masama kung susubukan. Ang nais ko lamang ay makuntento at magkaroon ng kasiyahan bago ako pumanaw. Na kahit ako ay isa lamang simpleng bata, may mga nais pa din akong matupad sa lahat ng pangarap ko.
• Assignment q 'to sa Filipino •